Taong 2020, naging online lahat ng ating mga interaksyon buhat ng pandemya, lumipat sa iba’t ibang virtual platforms ang mga usapang pagtatalik. Si CODY, hindi niya totoong pangalan, ay nakabuo ng ilang online “sexual relationships” sa taong ito, subalit hindi niya inakalang kakalat ang kaniyang mga litrato, bidyo, at mga screenshots. Ang “The Secret Band of Thebes” ay isang short documentary na tumatalakay sa online transactions na ito at ang mga epekto nito sa mga consumers at biktima ng mga leaked scandals.